Beermen lalapit sa korona
Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
3 p.m. San Miguel Beer vs Indonesia Warriors
MANILA, Philippines - Ilapit sa isang laro ang sarili para maging kampeon sa ASEAN Basketball League (ABL).
Ito ang nais na lagukin ngayong hapon ng San MiÂguel Beer sa muling pagÂharap sa nagdedepensang kampeon na Indonesia WarÂriors na gagawin sa ganap na alas-3 ng sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Tinalo ng Beermen ang Warriors sa Game One ng best-of-five title series noong Biyernes ng gabi, 75-70, para makauna sa serye.
Matibay na depensa na nagresulta sa 37% shooting (26-of-70) ng kalaban at ang magandang produksyon ng mga locals ang siyang ginamit ng Beermen para makauna.
Ang mga ito ang nais uling makita ni coach Leo Austria para maisulong sa 2-0 ang karta bago lumipat ang serye sa Jakarta para sa Games Three at Four sa Hunyo 12 at 15.
“For us to win, we have to put premium on defense,†wika ni Austria na balak ibiÂgay sa Beermen ang ABL title sa ikalawang taong paglahok sa liga.
Ang 40-anyos na si Asi Taulava ay aasahan uling maghatid ng impresibong numero matapos ang 22 puntos (10-of-14) at 10 rebounds pero makakatulong kung hindi manlalamig sina Chris Banchero, Val Acuna at Leo Avenido na nagsanib sa 40 puntos.
May 13 puntos si Acuna na hindi starter para tuluÂngan ang Beermen sa 24-8 bentahe sa bench points.
“They are the defending champions. You can’t take anything away from them. They will come back in the next game and it’s going to be even harder to get a win,†wika naman ni Taulava.
Asahan na gagawa ng adjustment ang Warriors at isa rito ay ang magkaroon ng mas magandang shooÂting para suportahan ang inside game nina Steve Thomas at Chris Daniels.
May 20 puntos at 17 rebounds si Thomas habang 14 ang ibinigay ni Daniels ngunit kinulang ang suporta dahil sa mahinang outside shooting nina Stanley Pringle at Mario Wuysang.
- Latest