^

PSN Palaro

Lopez gusto pa ring makalaban si Donaire

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagamat natalo kay Cuban unified super bantamweight titlist Guillermo Rigondeuax noong Abril 13, gusto pa ring makaharap ni world two-division king Juan Manuel Lopez ng Puerto Rico si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.

Sinabi kahapon ni Lopez na kung mananalo siya kay World Boxing Organization featherweight titlist Mikey Garcia sa Hunyo 15 sa Dallas, Texas ay may posibilidad na labanan niya si Donaire sa featherweight division.

“It really depends on what happens in June. If I make 126 pounds comfor­tably I would like to stay for one more fight versus Nonito Donaire,” sabi ni Lopez. “If not then I will move up.”

Natalo si Donaire (31-2-0, 20 KOs) kay Rigondeaux (12-0, 8 KOs) via unanimous decision noong Abril 13, samantalang dalawang panalo naman ang kinuha ni Lopez (32-2-0, 29 KOs) ngayong taon.

Bago labanan si Ri­gondeaux ay paboritong manalo si Donaire matapos magposte ng apat na malalaking panalo noong nakaraang taon.

Kaya naman nagulat si Lopez nang matalo si Donaire kay Rigondeaux.

Wala pang naitatakdang laban si Bob Arum ng Top Rank Promotions para sa 30-anyos na tubong Talibon, Bohol na si Donaire ngayong taon.

 

ABRIL

BOB ARUM

DONAIRE

FILIPINO FLASH

GUILLERMO RIGONDEUAX

IF I

JUAN MANUEL LOPEZ

LOPEZ

MIKEY GARCIA

NONITO DONAIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with