^

PSN Palaro

Naka-5 ginto na; Cray nagpasikat din, Lacuna nagtampisaw sa pool

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ni Olympic Games campaigner Jessie Khing Lacuna ang kanyang dominasyon sa swimming pool, habang pinantayan naman ni Fil-Am hurdler Eric Cray ang national record sa athle­tics sa 2013 PSC-POC Philippine National Games kahapon.

Matapos kumuha ng tatlong gintong medalya sa Day 1 ng swimming competition, dalawa pa ang idinagdag ng 19-anyos na si Lacuna nang maghari sa men’s 200-meter freestyle at sa 400-m individual medley mula sa kanyang mga oras na 56.64 segundo at 4:40.25, ayon sa pagkakasunod, sa RMSC Swimming Pool.

Nauna nang kinuha ng tubong Pulilan, Bulacan tanker ang mga gold medals sa 400m freestyle (4:7.86(, 100m freestyle (53.15) at 200m backstroke (2:18.59) sa Day One.

Nakatakda pa siyang sumabak sa 100m butterfly, 200m IM, 50m freestyle at sa 100m breaststroke ngayong araw.

Anim na gintong me­dalya ang inangkin ni Lacuna, sumabak sa 2012 Olympic Games sa Beijing, China, sa 2011 National Games sa Bacolod City at lima sa Dumaguete City noong nakaraang taon.

Sinungkit naman ni Las Piñas City tanker Hanna Dato ang kanyang ikaapat na ginto nang magreyna sa 200m freestyle (2:09.28) at sa 400m IM (5:06.92).

Nauna nang pinitas ng 19-anyos na si Dato ang mga ginto sa 100m at sa 400m freestyle.

Samantala, nagtala naman ang 25-anyos na si Cray, tubong Florida, USA at may kamag-anak sa Olongapo, ng bilis na 14.22 segundo sa heat ng men’s 110m hurdles para burahin ang 14.58 ni Patrick Unso na naitala noong 2011 sa Southeast Asian Games sa Palembang, Indonesia.

Ang tiyempong 14.22 segundo ang naitala rin ni Cray sa UNF Springbreak Invitational noong Marso 5, 2011.

Sa weightlifting, naglista ng bagong national mark si Nestor Colonia ng Zamboanga mula sa kanyang binuhat na 123 kilos sa snatch bukod pa sa 161kg sa clean and jerk at 284kg sa 62kg class.

Sa lawn tennis sa Rizal Tennis Center, kinuha ni Marc Reyes ang ginto nang talunin si Elbert Anasta, 7-5, 6-1, sa men’s singles.

Nakamit ni Reyes ang kanyang ikalawang ginto nang makipagtambal kay PJ Tierro para igupo sina AJ Lim at Roel Licayan, 6-2, 6-3, sa men’s doubles finals.

Ibinulsa rin ni Marian Capadocia ang kanyang ikalawang gold medal nang makipagtulungan kay Maika Tanpoco para biguin sina Clarice Patrimonio, anak ni dating PBA star Alvin Patrimonio, at Fil-Spanish Edlyn Balanga, 6-1, 4-6, 10-3.

Ang 2013 National Games ay itinataguyod ng STI, Standard Insu­rance, Procter & Gamble, Summit Mineral Water, Ayala Corp., LBC, 7-11, Nestle-Milo, Aranas Law Office, Bala Energy Drink, Splash Islands, Enchanted Kingdom, Everlast, Innoderm, Peak Martial Arts, Kix Sports, BSP Employees Association at ng Spin.ph.

 

ALVIN PATRIMONIO

ARANAS LAW OFFICE

AYALA CORP

BACOLOD CITY

CLARICE PATRIMONIO

DAY ONE

DUMAGUETE CITY

NATIONAL GAMES

OLYMPIC GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
13 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with