^

PSN Palaro

Isang tagay na lang sa San Miguel Beer

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Nimibutr Stadium,

Bangkok)

8 p.m.  Sports Rev

Thailand Slammers

vs San Miguel Beer

MANILA, Philippines - Binawi uli ng San Mi­guel Beer ang homecourt advantage sa Sports Rev Thailand Slammers nang kunin ang 70-62 panalo sa Game Three ng ASEAN Basketball League (ABL) semifinals noong Martes ng gabi sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.

Inilabas ng Beermen ang kanilang masidhing determinasyon na manalo sa lugar ng kalaban nang maisantabi ang pagkawala ng dalawang imports sa huling 3:50 ng labanan at hawakan ang mahalagang 2-1 kalamangan sa best-of-five series.

Sina Chris Banchero, Erik Menk at Asi Taulava ang sinandalan ng Beermen noong nakapanakot ang Slammers na agawin ang panalo para matiyak na babalik ang serye sa Pilipinas kung sakaling mangailangan ng deciding Game Five.

“The Slammers refused to lose and that’s why they made a good run in the second half. I have to give credit to all my players because they didn’t give up,” wika ni Beermen coach Leo Austria.

Bagamat tumapos lamang sa mahinang 2-of-11 shooting, naipasok ni Banchero ang mahalagang jumper na nag-akyat sa pito, 65-58, ang kanilang kalamangan bago nagbuhos ng tatlong dikit na puntos si Menk para gawing siyam ang bentahe, 68-59, sa hu­ling 1:23 ng labanan.

May 13 puntos at 6 re­bounds si Taulava at siya ang sumagupa sa mga imports ng Slammers noong nawala dahil sa foul sina Brian Williams at Justin Williams sa 4:58 at 3:50 ng laro

Si Brian ang namuno sa Beermen sa kanyang 14 marka habang may 4 blocks at 9 puntos si Justin.

Pitong puntos ang ibi­nigay ni Banchero habang lima ang idinagdag ni Menk.

vuukle comment

ASI TAULAVA

BANCHERO

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BRIAN WILLIAMS

ERIK MENK

GAME FIVE

GAME THREE

NIMIBUTR STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with