^

PSN Palaro

San Miguel tatabla sa Slammers

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Philsports Arena,

 Pasig City)

3 p.m.  San Miguel Beer vs Sports Rev Thailand

 

MANILA, Philippines - Inaasahang babalik ang dating tikas na hindi nakita sa San Miguel Beer sa unang pagtutuos sa pagharap uli sa Sports Rev Thailand sa Game Two  ng ASEAN Basketball League (ABL) semifinals ngayong hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sinorpresa ng Slammers ang liyamadong Beermen sa unang pagki­kita noong Huwebes ng gabi sa Ynares Antipolo nang kunin ang 62-60 panalo sa birada ni Darong­pan Apiromvilaichai sa huling limang segundo ng bakbakan.

Bukod sa pagkulapso ng depensa, nagkalat sa court ang Beermen sa ginawang 25 errors para matapos na rin ang 16-ga­me winning streak ng host team.

“Ngayong wala  ng  winning streak, nakikita ko na focus uli kami sa mga dapat naming gawin,” wika ni Austria.

Ang kabiguang nangyari ang naghubad sa Beermen sa tangang ho-­mecourt advantage sa best-of-five series dahil  kahit manalo ngayon ang koponan, magkakaroon pa rin ang Slammers na tapusin ang series sa Bangkok dahil dito gagawin ang Games Three at Four.

Hindi naman iniisip ni Austria ang bagay na ito kundi ang makuha ang panalo at maitabla sa 1-1 ang serye.

May 13 puntos ang nagbabalik na si Chris Banchero pero may isang assist lamang siya.  

 

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHRIS BANCHERO

GAME TWO

PASIG CITY

PHILSPORTS ARENA

SAN MIGUEL BEER

SPORTS REV THAILAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with