^

PSN Palaro

Sadorra laglag kay Paragua, lider na

Pilipino Star Ngayon

ANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ni Mark Paragua ang kanyang dominasyon sa kagaya niyang Grandmaster na si Julio Catalino Sadorra nang kunin ang isang 31-move victory para sikwatin ang solo lead sa $100,000 Asian Continental Chess Cham¬pionships sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.

Sinamantala ng 29-an¬yos na si Paragua ang pagkakamali ng 26-anyos na si Sadorra sa 3st move.
“Nagkaroon ako ng positional advantage pero nadepensahan niya ng maayos kaya inasahan kong magiging draw ang laro namin,” sabi ni Paragua, dating No. 1 chesser ng bansa bago lumitaw si GM Wesley So.
Pinigil ni Paragua ang apat na sunod na ratsada ni Sadorra, naunang naglista ng apat na panalo.
Mula sa kanyang 4.5 points, nakuha ni Paragua ang No. 1 spot at makakatapat sa fifth round si top seed GM Le Quang Liem ng Vietnam na naka-draw kay Indian GM M.R. Lalith Babu.
Katabla ni Liem si Sadorra sa second place mula sa magkatulad nilang 4.0 points.
Bukod kina Sadorra at Le, ang iba pang nasa four-point group ay sina GM Richard Bitoon, tinalo si many-time Olympiad ve¬teran Joey Antonio, second pick Chinese GM Li Chao, gumiba kay Vietnamese GM Dao Thien Hai, at GM John Paul Gomez, ginitla si No. 10 Chinese GM Li Shilong.

vuukle comment

ASIAN CONTINENTAL CHESS CHAM

DAO THIEN HAI

JOEY ANTONIO

JOHN PAUL GOMEZ

JULIO CATALINO SADORRA

LALITH BABU

LE QUANG LIEM

PARAGUA

SADORRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with