Escollante pumalag sa PSC
MANILA, Philippines - Hindi nararapat na ikaÂtegorya ang dragon boat sa mga team sports na mananalo lamang ng isang gintong medalya.
Sa panayam kay natioÂnal coach Len Escollante, sinabi niya na ang dragon boat competition ay binuÂbuo ng maraming events na puwedeng pagharian ng Pambansang koponan
At dahil nasa ilalim na rin ng Philippine Canoe-KaÂyak Federation, ang mga manlalarong ipadadala sa Myanmar SEA Games sa Disyembre ay maaari ring sumali sa nasabing events.
“Kahit magpadala tayo ng 50 rowers, marami namang events na puwede nilang laruin sa SEAG dahil tulad ng mga individual events, ang dragon boat ay may iba’t-ibang events sa iba’t-ibang distansya.
Makakatipid pa nga ang PSC kapag nagpadala ng team dahil bukod sa draÂgon boat puwede rin sumali ang mga rowers natin sa canoe-kayak,†ani Escollante.
Naunang sinabi ni Garcia na maliit na delegasyon lamang ang ipadadala sa Myanmar at kasama sa mawawala ay ang dragon boat na isa sa mga priority list ng PSC dahil naipakita na ng bansa na kaya nilang maging world champion sa nasabing palaro.
Nilagyan ng ngipin ang paghahabol ng dragon boat na maisama sa Pambansang delegasyon sa SEA Games matapos manalo ng dalawang pilak at dalawang bronze medals sa katatapos na DBS Marina Regatta noong Sabado at Linggo sa Marina Bay.
May siyam na bansa ang kasali at ang men’s team ang kumuha ng pilak sa larangan ng 200-meters at 500-meters at natalo sila ng Indonesia at Myanmar habang ang women’s team ang nanalo ng bronze medals sa nasabing mga distansya.
- Latest