La Salle, NU ‘di maawat
MANILA, Philippines - Matatalim ang mga palaso ng La Salle para kunin ang 91-63 pagdurog sa Emilio Aguinaldo College sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 20 puntos at 11 rebounds si Jason Perkins at naging mainit ito sa opensa sa kinamadang 8-of-12 shooting, tampok ang 2-for-2 sa three-point line.
May 11 si Jeron Teng haÂbang double-double na 10 puntos at 10 boards si Norbert Torres at 10 puntos pa ang kay Jarelan Tampus para sa Archers na binuksan ang labanan sa 26-14 kalamangan.
Ito ang ikalimang sunod na panalo ng koponan para tumibay ang paghahabol sa quarterfinals sa Group B.
Determinado ang Archers na manalo dahil iniÂaalay nila ang laro para kay 6’7 center Yutien Andrada na nawala na sa koponan bunga ng tinamong ACL injury sa laro laban sa Lyceum.
Gumulong naman ang National University sa kanilang ikapitong sunod na panalo sa madaling 71-52 pananaig sa UP.
Lumayo agad ang Bulldogs ng 20 puntos sa first half para itulak ang Maroons sa 0-5 baraha.
Samantala, kinuha naman ng Letran ang ikaapat na panalo sa pitong laro nang takasan ang Lyceum, 77-72.
May 16 puntos si rookie Rey Nambatac para sa Knights.
- Latest