Mayweather sa Amerika Pacquiao pinakamayamang atleta sa Asia
MANILA, Philippines - Nanatili si Manny Pacquiao bilang pinakamayamang atleta ng Asia kahit namamahinga pa matapos matalo sa dalawang laban noong 2012.
Lumabas sa ulat ng Sports Illustrated na ang $35 milyon na kinita ni Pacquiao laban kay Juan Manuel Marquez ng Mexico ay sapat pa para mailagay siya sa pang-anim na pinakamayamang atleta sa mundo na hindi taga-US
“Pacquiao falls short of the top 5 because he only fought once in the period we measure,†wika ni DaÂniel Roberts ng SI.
Dalawang laban ang hinarap ni Pacquiao noong nakaraang taon at ang una ay nangyari kontra kay Timothy Bradley noong Hunyo at natalo siya sa split decision.
Ang ikalawang laban ay ginawa noong DisÂyembre laban kay Marquez na umani ng sixth round knockout na panalo.
Sa labang ito binayaran si Pacman ng $23 milyon at ang dagdag na kita ay sa kanyang parte sa Pay Per View at live gate attenÂdance.
Si Pacquiao na nanalo uli ng bagong termino bilang Kinatawan ng Sarangani Province, ang natatanging boksingero sa talaan at napantayan niya ang puwestong inabot noong nakaraang taon.
Ang isa pang atleta mula Asia ay ang badminton player ng China na si Li Na na nasa ika-17th puwesto sa 20 pinangalanan ng SI sa kinabig na $17,280,646.
Nangunguna sa talaan ang football superstar na si David Beckham ng Great Britain sa $48.3 milyon bago sumunod sina Roger Federer ng Switzerland sa $43.4M, Formula One driver Fernando Alonzo ng Spain sa $42.8M, football player Cristiano Ronaldo ng Portugal sa $35.3M at isa pang football player si Lionel Messi ng Argentina sa $35.1M.
At para naman sa mga American athletes, bumabandera ang walang talong si Floyd ‘Money Man’ Mayweather Jr., sa listahan sa kanyang kinita na $90 million, sumunod ang NBA great na si LeBron James na nagkamal ng kitang $56.5 million.
- Latest