Bualee madaling makakapag-adjust sa laro ng Ateneo -- Gorayeb
MANILA, Philippines - Konting adjustment laÂmang ang nakikita ni AteÂneo coach Roger Gorayeb sa pagdating ni Thai import Jeng Bualee para sa nagdedepensang kampeon sa Shakey’s V-League Season 10 First Conference.
Kinuha ng Lady Eagles si Bualee matapos maÂpaÂtalsik sa nilaruang San SeÂbastian Lady Stags upang maÂÂdagdagan ang ngipin ng Ateneo.
“Mayroon pa ring adjustment dahil bago siya peÂro hindi naman kalakihan,†wika ni Gorayeb.
May ilang araw na ring nagÂsasanay si Bualee sa koponan at tiyak na maÂgagamayan na niya ang istilo ng laro ng bagong koÂponan na haharapin ang six-time champion UST sa Final Four.
Si Bualee ang leaÂding scorer ng liga mula sa kanyang 158 puntos mula sa 149 kills, 3 blocks at 6 serÂvice aces.
Patatatagin ng Thai import ang opensa ng Lady Eagles na dating inaasa sa guest player na si Rachel Ann Daquis bukod pa kina Alyssa Valdez at Fille Cainglet.
Bukas sisimulan ang FiÂnal Four na paglalabanan sa best-of-three series at ito ay mapapanood sa Philsports Arena sa Pasig City.
Bukod sa Ateneo-UST game, ang isa pang mainit na tagisan ay sa labanan ng National University at Adamson.
Ang Lady Bulldogs ang siyang ipinalalagay na paborito sa titulo dahil hindi pa sila natatalo matapos ang anim na laro at kasama sa kanilang tinalo ang Lady Eagles
Pero sa pagdating ni BuaÂlee, maaaring nabawi ng koponan ang favorite’s bilÂling na dating nakatoka sa Ateneo bago yumukod sa mas matatangkad na NU.
- Latest