^

PSN Palaro

Buhay pa ang Ginebra

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

6:15 p.m. Alaska vs. San Mig Coffee (Game 4)

 

MANILA, Philippines - Magkikita pa ang Gin Kings at ang Tropang Texters sa Linggo para sa Game Five.

Bagamat nawala ang itinayong 12-point lead sa first half, kumapit naman ang Barangay Ginebra kina import Vernon Macklin, Jayjay Helterbrand at LA Tenorio sa huling apat na minuto sa final canto para talunin ang Talk ‘N Text, 104-101, sa Game Four sa kanilang semifinals series para sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Itinabla ng Gin Kings ang kanilang best-of-five semifinals showdown ng Tropang Texters sa 2-2.

“I can’t say anything I just give it to the boys. They didn’t quit. We can play hard but we cannot play like that na pang end ng career ng isang player,” ani coach Alfrancis Chua sa paninira nina Ranidel De Ocampo at Ryan Reyes kay Macklin.

Ipinoste ng Ginebra ang isang 65-53 abante sa hu­ling 32 segundo ng second period bago naagaw ng Talk ‘N Text ang unahan sa 94-90 sa 5:15 ng fourth quarter sa likod ni import Tony Mitchell.

Matapos itabla ni Mit­chell ang Tropang Texters sa 99-99 mula sa kanyang dalawang free throw sa 1:07 minuto ng laro, umiskor naman ng basket si Macklin at dalawang charities si LA Tenorio para ilayo ang Gin Kings sa 103-99 sa natitirang 14.3 segundo.

Humakot si Macklin ng career-high na 37 points at 12 rebounds para banderahan ang Ginebra.

Samantala, sisikapin ng Alaska Aces na maipormalisa ang kanilang pagpasok sa finals sa pakikipagharap sa San Mig Coffee nga­yong alas-6:15 ng hapon sa Big Dome.

vuukle comment

ALASKA ACES

ALFRANCIS CHUA

BARANGAY GINEBRA

GIN KINGS

MACKLIN

N TEXT

SAN MIG COFFEE

SMART ARANETA COLISEUM

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with