^

PSN Palaro

Milo taekwondo summer classes dinadagsa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagdagsa sa idinadaos na 2013 MILO taekwondo summer classes sa iba’t-ibang Philippine Taekwondo Association (PTA) chapters at branches sa kabuuan ng Pilipinas.

Ang Olympic sport ay isa sa popular na martial arts sa bansa dahil na­kapaghatid na ito ng ma­raming karangalan mula sa malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.

Marami ring matututunan ang mga sasali dahil bukod sa aspetong pisikal, ang isang jin ay nagkaka­roon din ng matalas na kaisipan.

Ang ilang buwang pagsasanay sa taekwondo ay makakatulong para mapag-ibayo ang persona­lidad ng isang indibidwal bukod pa sa pagkakaroon ng dagdag na kaalaman sa self defense.

Inorganisa ng PTA na kasapi ng World Taek­won­do Federation at kinikilala ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission, patuloy ang pagtanggap ng mga gustong matuto sa summer classes at maa­aring makipag-ugnayan ang mga interesado sa mga teleponong 522-0518, 522-0519 at 524-0457 o di kaya ay mag-email sa phi­[email protected] at [email protected].

Ang summer program na ito ay suportado rin ng SMART Communications, MVP Sports Foundation, PLDT, TV5 at Meralco.

vuukle comment

ANG OLYMPIC

INORGANISA

MARAMI

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

SHY

SPORTS FOUNDATION

WORLD TAEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with