Lady Stags makakasagupa naman ang Lady Altas, Lady Bulldogs asam ang semis ticket
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. SSC vs Perpetual
4 p.m. National U vs La Salle-Dasma
MANILA, Philippines - Matapos durugin ang nagÂdedepensang kampeong Ateneo, hangad ngaÂyon ng National University ang puwesto sa seÂmifinals sa pagharap sa La Salle-Dasmariñas sa Shakey’s V-League Season 10 First Conference sa The Arena sa San Juan City.
Ikaanim na sunod na paÂnalo at 3-0 karta sa quarterfinals ang maililista ng LaÂdy Bulldogs sakaling taÂlunin nila ang Lady Patriots sa ganap na alas-4 ng hapon.
Paborito ang tropa ni coach Edjet Mabayyad, nguÂnit hindi sila puwedeng magÂkumpiyansa dahil haÂnap ng NCRAA champions ang makuha ang unang paÂnalo sa yugto at maging palaban ara sa Final Four.
Walang duda na sa nagÂlalakihang manlalaro na sina Dindin Santiago, JaÂja Santiago, Myla Pablo at Aiko Urdas tatakbo ang opensa na manggagaling sa beteranong setter na si Rubie de Leon.
Pilit na tatapatan ito ng LaÂdy Patriots ng liksi at bilis na magmumula kina Lari Yongco, Jennifer Manzano at Monique Tiangco.
Unang magtutuos sa ganap na alas-2 ng hapon ang mga NCAA teams na Perpetual Help at San SeÂbastian kung saan haÂngad ng Lady Altas ang unang panalo sa yugto paÂra manatiling buhay ang asam na semifinals seat.
Ang dalawang kopoÂnang ito ang magkaribal sa NCAA kaya’t asahan na totodo ng laro ang Lady Stags at Lady Altas.
- Latest