Silver kay Santos sa Asian Athletics Grand Prix
MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ni Katherine “Khay†Santos na maÂbokya ang Pilipinas sa una sa tatlong yugto ng 2013 Asian Athletics Grand Prix nang kumuha siya ng pilak sa paboritong long jump event na pinaglabanan noong Mayo 4 sa Bangkok, Thailand.
Ang Thammasat Stadium ang siyang venue ng taÂgisan ng piling atleta mula sa iba’t-ibang bansa at pinalad si Santos na makapagtala ng 6.17-metro. Mababa ito sa kanyang personal best na 6.25-m marka na ginawa noong manalo ng bronze medal sa 2011 Indonesia SEA Games pero sapat ito para kunin ang pilak na medalya sa kompetisyong inorganisa ng Asian Athletics Association (AAA).
Nasingitan ni Santos, ang pangalawang pambato ng Pilipinas sa event matapos ang SEAG queen na si Marestella Torres, ang dalawang lahok ng Uzbekistan na nanalo ng ginto at bronze medal.
Si Darya Rezmehenko ang kumuha sa unang puwesto sa 6.52-m marka habang may 6.11-m ang kaÂbabayang si Yuliya Tarasova para sa bronze medal.
Apat na atleta lamang ang ipinadala ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) at hindi nakapag-ambag ng medalya sina Josie Villarito, Rene Herrera at Daniel Nova.
Ang second leg ay gagawin sa Mayo 8 sa Chonbori, Thailand habang ang huling leg ay sa Colombo, Sri Lanka idaraos sa Mayo 12.
- Latest