Germany tutulong sa Pinas sa pagpapalakas ng football
MANILA, Philippines - Nagpirmahan kahapon ang Philippine Sports ComÂmission at Germany para magkatulungan sa pagpaÂpalakas ng football sa bansa.
Si PSC chairman Ricardo Garcia ang kumatawan sa ahensya habang si German Ambassador Joachim Heidorn ang nanguna sa kanyang bansa habang naging saksi sina PSC commissioner Iggy Clavecilla, Philippine Football Federation (PFF) president Mariano Araneta at German Cultural Secretary Michael Fuchs.
“Ito lamang ang paniÂmula at marami pang pagtutulungan ang mangyayari sa pagitan ng Pilipinas at Germany sa football,†wika ni Garcia.
Sa napagkasunduan, darating ang German soccer coach at scouting expert Thomas Roy sa bansa at mamamalagi siya sa loob ng dalawang taon para paÂngunahan ang grassroots program ng PFF.
Ang mga batang edad 12-anyos pababa ang tutuÂtukan ng 45-anyos na si Roy na isang sports teaÂcher, soccer coach at sports instructor.
Sa bandang Hulyo darating si Roy sa bansa.
- Latest