^

PSN Palaro

Marquez-Bradley fight selyado na

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Plantsado na ang pag­hahamon ni Juan Manuel Marquez para sa suot na World Boxing Organization welterweight crown ni Timothy Bradley, Jr. sa Setyembre 14 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang inihayag kaha­pon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na tumapos sa inaasahang pang limang paghaharap nina Marquez at Filipino world eight-division titlist Manny Pacquiao.

“The fight is agreed to. We have contracts out to both fighters,” wika ni Arum. “(Top Rank president) Todd (duBoef) worked hard with both sides and (Marquez co-promoter) Fernando (Beltran) worked hard with Marquez and we came to terms with both of them.”

Sina Marquez at Bradley ang siyang nagpalasap kay Pacquiao ng dalawang sunod na kabiguan noong nakaraang taon.

Pinabagsak ng 39-an­yos na si Marquez ang 34-anyos na si Pacquiao sa huling segundo sa sixth round sa kanilang pang apat na pagkikita noong Disyembre 8 matapos talunin ng 29-anyos na si Bradley si ‘Pacman’ via split decision para agawin ang WBO welterweight title noong Hunyo 9.

Ikinunsidera rin ni Marquez ang inaasahan niyang mahinang kikitain kung gagawin ang kanilang pang limang laban nila ni Pacquiao sa labas ng United States.

“Marquez-Pacquiao in the U.S. would generate incredible riches, but Marquez isn’t convinced Marquez-Pacquiao in Asia will result in the pay-per-view money being as strong,” ani Arum.

Dahil sa malaking ba­yad sa buwis sa US, mas gusto ni Pacquiao na gawin ang kanyang unang laban ngayong 2013 alinman sa Macau o Singapore.

 Kasalukuyang bitbit ni Marquez, magiging 40-anyos sa Agosto, ang 55-6-1 win-loss-draw ring record kasama ang 40 knockouts, habang taglay ni Bradley ang malinis na 30-0-0 (12 KOs).

BOB ARUM

BRADLEY

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MACK CENTER

MARQUEZ

MARQUEZ-PACQUIAO

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with