^

PSN Palaro

NCR athletes mapapalaban sa WV sa pagkuha ng gold sa athletics

Pilipino Star Ngayon

DUMAGUETE, Philippines --Agawan sa ginto ang mangyayari sa larangan ng athletics sa pagsisimula ng 2013 Palarong Pambansa sa Gov. Mariano Perdices Memorial Stadium dito.

Aksyon sa secon­dary boys shotput at long jump, secondary girls ja­velin throw at triple jump at elementary boys triple jump at girls shotput ang magaganap sa pormal na pagsisimula ng aksyon sa hanay ng mga batang atleta’t mag-aaral mula sa 17 rehiyon ng bansa.

Bukas naman sisimulan ang labanan sa swimming na gagawin sa Sen. Lorenzo Teves Aqua Center na tulad ng athletics ay pagmumulan ng maraming ginto.

Ang National Capital Region ang magbabalak na maipagpatuloy ang gina­gawang dominasyon sa magkabilang dibisyon pero asahan ang matin­ding laban mula sa Western Visayas.

Pinangunahan ni Neg­ros Oriental Governor Roel Degamo ang pagsalubong sa mga atleta, coaches at mga bisita sa makulay na opening ceremony na kinakitaan muna ng pagparada na sinimulan sa Silliman University.

Si PSC Chairman Ricardo Garcia ang naging guest of honor at humalili sa puwestong naunang inilaan para kay Pangulong Benigno Aquino III habang ang DepEd ay kinatawan ni Secretary Armin Luistro, FSC at  Asec Tonisito Umali.

Ito ang unang pagkaka­taon na idaraos ang Palaro sa Dumaguete City at tiniyak ni Gov. Degamo na siyang punong-abala sa isang linggong torneo, na magiging maayos at me­morable ang pamamalagi ng mga bisita sa kanyang nasasakupan.

 

ANG NATIONAL CAPITAL REGION

ASEC TONISITO UMALI

CHAIRMAN RICARDO GARCIA

DUMAGUETE CITY

LORENZO TEVES AQUA CENTER

MARIANO PERDICES MEMORIAL STADIUM

ORIENTAL GOVERNOR ROEL DEGAMO

PALARONG PAMBANSA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with