Donaire ‘di sumunod sa plano vs Rigo
MANILA, Philippines - Inamin ni Nonito DoÂnaire Jr. na hindi niya sinunod ang planong inilatag nang hinarap si Guillermo Rigondeaux noong Linggo sa New York City.
Lumasap ng unanimous decision na pagkaÂtalo si Donaire sa nasabing laban upang mahubad sa kanya ang dating suot na WBO title.
Ang pagkatalo ay nagresulta para bumaba ang kinilala bilang 2012 Fighter of the Year sa pound-for-pound ranking mula sa dating ika-apat tuÂngo sa ika-sampung puwesto.
Sa panayam ng BoÂxingÂscene, ibinunyag niya na ang usapan ng kanyang team ay pauulanan niya ng suntok si Rigondeaux para palambutin ito.
Pero natakaw siya na patulugin ang two-time Olympic gold medal winner gamit ang isang suntok baÂgay na kanyang pinagbaÂyaran.
“I had in my head ‘oh this guy is going to fall if I get him with one punch’. But he turned out to be a lot tougher than I expected. I believed in the power I had and didn’t follow the instructions that I was supposed to do,†wika ni Donaire.
Sa ngayon ay pahinga muna si Donaire pero may posibilidad din na hanggang sa katapusan ng taong 2013 ay hindi na siya makabalik ng ring.
Ito ay dahil sa nais na niyang ipaopera ang balikat na bumabagabag sa kanya at maaaring kumain ito ng apat hanggang anim na buwan para tuluyang maghilom ang operasyon.
Pagsisikapan ni DoÂnaire na makabalik bago matapos ang taon pero kung hindi kakayanin, may mapaglilibangan naman siya dahil sa pagsilang ng unang anak nila ng may bahay na si Rachel.
- Latest