PBaRS 7th leg itinakda sa May 3
MANILA, Philippines - Nakatakdang idaos ng MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) ang seventh leg sa Mayo 3 sa Excel Badminton Center sa San Fernando, Pampanga.
Babanderahan nina Toby Gadi at Bianca Carlos, winalis ang Open singles titles ng nag-iisang ranking badminton tournament sa bansa noong nakaraang taon, ang nasabing five-day tournament na itinataguyod ng MVP Sports Foundation.
Patuloy na ang pagpapatala, habang ang deadline ay sa Abril 19.
Ang paglilista ng mga partisipante ay sa Abril 23 at ang draw ay sa Abril 26 sa PBaRS office.
Ang event ay ang nag-iisang ranking badminton tourÂnament na may basbas ng Philippine Badminton Association na pinamumunuan nina Vice President Jejomar Binay, sportsman Manny V. Pangilinan bilang chairman at Rep. Albee Benitez bilang sec-gen.
Para sa detalye, tumawag sa PBaRS office sa 20 E. Maclang cor. P. Guevarra Sts., San Juan City sa telepono 7252568 at 7828202, ayon kay PBaRS tournament director Nelson Asuncion.
Ang on-line registration ay maaari ring gawin sa pbars.com.
- Latest