^

PSN Palaro

10th Shakey’s V-league Quarters dadagitin ng Lady Eagles vs Knights

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Puwesto sa quarterfinals ang dadagitin ngayon ng Ateneo sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 First Confe­rence sa The Arena sa San Juan, City.

Kalaban ng nagdedepensang kampeon na Lady Eagles ang Letran sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon at nakataya sa Ateneo ang ikatlong sunod na panalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s

Paborito ang Lady Eagles na manalo pa matapos maliitin ang hamon ng malalakas na koponan na UST at San Sebastian para pangunahan ang Group A sa 2-0 karta.

Sina Alyssa Valdez, Fille Cainglet, Jem Ferrer at guest player Rachel Ann Daquis ang mga ma­ngunguna sa Lady Eagles upang mapalakas ang planong ikatlong sunod na titulo sa nasabing confe-rence.

Binuksan naman ng Lady Knights ang kampan­ya sa pagyuko sa La Salle Dasmariñas kaya’t ang pigilan ang paglasap pa ng kabiguan ang dagdag-inspirasyon ng koponan.

Sisimulan naman ng Perpetual Help ang kampanya sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa sa pagharap sa Arellano sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Ang mga kamador na nakatulong sa Lady Altas para masungkit uli ang titulo sa NCAA na sina Sandra delos Santos, Norie Diaz, April Sartin at Honey Tubino ay nadagdagan pa ng puwersa sa paglalaro ni Joy Cases bilang guest player para tumibay pa ang arsenal ng koponan.

Ang laro sa pagitan ng Ateneo at Letran ay ma­papanood sa GMA News TV Channel 11 sa Mi­yerkules sa ganap na ala-1 ng hapon.

 

APRIL SARTIN

ATENEO

FILLE CAINGLET

FIRST CONFE

GROUP A

HONEY TUBINO

JEM FERRER

JOY CASES

LADY EAGLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
22 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with