^

PSN Palaro

Donaire inagawan ni Rigo ng titulo WBO/WBA belt pinag-isa

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Selyado na ni Guillermo Rigondeaux ng Cuba ang estado sa super bantamweight division.

Nakuha ng two-time Olympic gold medal winner ang puwesto nang talunin ang kinikilala bilang pinakamahusay sa ngayon  sa dibis­yon na si Nonito Donaire Jr.  sa pamamagitan ng unanimous decision kahapon na ginawa sa Radio City Music Hall sa New York City.

Bumagsak man matapos tamaan ng malakas na kanan ni Donaire sa 10th round, nagawa namang ma­lusutan ni Rigondeaux ang mahirap na round at tapusin ang 12-round uni­fication bout tungo sa 114-113, 115-112, 116-111, unanimous decision panalo sa mga huradong sina John Stewart, Tom Schreck at Julie Lederman.

Ito ang ika-12 sunod na pa­nalo ni Rigondeaux na naikabit ang WBO title ni Donaire sa hawak niyang WBA crown.

“I told you I was going to do my job and I did it,” wika ni Rigondeaux gamit ang isang interpreter matapos ang laban.

“He (Donaire) is a professional and he trains well. But with one shot, he can’t win a fight,” may pasa­ring pa ni Rigondeaux kay Donaire na naunang minaliit ang kanyang kakayahan.

Tanggap naman ni Donaire ang pagkatalo at aminadong siya ay nagkulang sa kanyang preparas­yon.

“We thought we could get him. I didn’t do my job,” wika ni Donaire na lumasap ng ikalawang pagkatalo matapos ang 33 laban.

“He beat me tonight, the­re’s no excuse. We’ve got to go back to the dra­wing board and be better,” dagdag ni Donaire.

Handa rin niyang ha­rapin uli si Rigondeaux pero ito ay mangyayari lamang sa mas mataas na timbang na 126-pounds.

“He had trouble making weight and he has to go up in  weight,” wika ni  Top Rank Promoter Bob Arum.

Pumasok si Donaire sa laban sa timbang na 121.6 pounds pero sinabi ni Arum na para maabot  ito,  kinaila­ngan munang mag­papawis ng boksi­ngerong tinawag bilang ‘Filipino Flash’.

Dahil wala sa tamang kondisyon, nawala ang mga rapidong suntok na kung saan kilala si Donaire dahil lumabas sa istatistika na hatid ng Compubox na bumitaw lamang si Donaire ng 352 suntok at 82 ang tumama laban sa 396 ni Rigondeaux at 129 ang tumama.

DONAIRE

FILIPINO FLASH

GUILLERMO RIGONDEAUX

JOHN STEWART

JULIE LEDERMAN

NEW YORK CITY

NONITO DONAIRE JR.

RIGONDEAUX

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with