^

PSN Palaro

Women’s badminton regular sports na sa NCAA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 18 events na ang paglalabanan sa Season 89 ng NCAA.

Ito ay matapos sang-ayunan ng pinakamatandang liga sa bansa na gawing regular sport ang    women’s badminton sa isang pagpupulong na ginanap noong Martes sa Letran.

Bago ito, ang men’s badminton ay naipasok bilang regular sport sa natapos na 88th season katulad ng women’s swimming at soft tennis.

 Ang iba pang mga laro na paglalabanan sa NCAA ay ang men’s basketball, chess, football, tennis at swimming, women’s beach volley at men’s at women’s volleyball, table tennis, taek­wondo, track and field.

Isinasama rin sa tagisan ang cheerleading competition pero hindi ito kasama kung pagdetermina sa overall championship ang pag-uusapan.

Pinangunahan ni Letran rector Fr. Tamerlane Lana, OP, ang pagpupulong ng Policy Board at Mancom at ito na ang hu­ling gawain ni Fr. Lana dahil tapos na ang  termino ng Knights bilang  host ng liga.

Ang bagong College of St. Benilde president Bro. Dennis Magbuana, FSC, ang mauupo bilang bagong Policy Board president at  opisyal na naisalin na ang hosting sa isinagawang turn­over ceremony sa araw ding iyon.

Inanunsyo rin sa sere­monya ang pagtanggap sa Arellano University bilang isang regular member upang maging walo na ang paaralan na may ganitong klasipikasyon.

Ang Arellano ay da­ting probationary member na iniakyat sa regular status dahil sa magandang ipinakita sa mga nagdaang taon sa liga.

Ang Lyceum at Emilio Aquinaldo College ang mga naiwan bilang probationary members.

ANG ARELLANO

ANG LYCEUM

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE

DENNIS MAGBUANA

EMILIO AQUINALDO COLLEGE

LETRAN

POLICY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with