^

PSN Palaro

Suzuki-Pheonix -YRS team nagpakitang gilas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang bago at talentadong racing team, na binubuo ng mga bata at papasikat na riders sa two wheels, ang pumapaimbulog sa larangan ng local racing  circuit.

Sa pangunguna ni En­zo Rellosa, ang Suzuki-Phoenix-YRS  racing  team na sinusuportahan din ng RK Chain at Vee Rubber, ay kasalukuyang nagdodo­mina ng road racing at mo­tocross competitions sa nakalipas na racing period  mula Feb.17-March 10, 2013.

Si  Rellosa ang nagpaki­tang gilas ng husto para sa Suzuki-Phoenix-YRS   team matapos masungkit ang titulo sa underbone  motorcycle race at moto­cross competition sa kasiyahan ng maraming race enthusiasts na patuloy na naghahanap ng mga bagong uri ng kampeon.

Si Rellosa, ang 18-year-old pride ng  Iriga City, Bicol,  ay nagwagi sa T-135MX   category ng Yamaha Cup, na itinaguyod ng Sonic Boom at binasbasan ng National  Motorcycle Sports and Safety Association (NAMSSA) sa Marikina City  Hall nung Peb. 24.

Nasundan pa ito ng sina Rellosa  at Eljin Lobarbio, ay pumangalawa sa 115 S/S category  sa 2013 Repsol-National Road Race Series nung Peb. 17. 

 

ELJIN LOBARBIO

IRIGA CITY

MARIKINA CITY

MOTORCYCLE SPORTS AND SAFETY ASSOCIATION

PEB

RELLOSA

REPSOL-NATIONAL ROAD RACE SERIES

SI RELLOSA

SONIC BOOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with