^

PSN Palaro

Pakay ang ika-6 na dikit na panalo vs Slingers: San Miguel sasalo sa itaas

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Singapore Indoor Stadium)

3 p.m.  Singapore Slingers vs San Miguel Beer

MANILA, Philippines - Iangat sa anim na su­nod ang pagpapanalo ng San Miguel Beer ang ha­ngad ng koponan sa muling pakikipagtuos sa Singapore Slingers sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) ngayong hapon sa Singapore Indoor Stadium.

Ang laro ay magsisi­mula sa ganap na alas-3 ng hapon at pinapaboran ang Beermen na maisakatuparan ang layunin dahil sa ibayong laro na naipakita ng koponan.

Gamit ang matibay na depensa, ang huling apat na panalo ay nakitaan ng paglimita ng tropa ni coach Leo Austria sa kalaban sa 60 puntos.

Pangunahing dahilan ng pagtikas ng depensa ay dahil sa 6’10 na si Justin Williams na naghatid ng 13 blocks sa huling dalawang laro na kinakitaan ng pagdodomina ng Beermen la­ban sa Slingers, 73-53, at Saigon Heat, 80-55, na parehong inilaro sa Vietnam noong Marso 15 at 17.

“The entry of Justin Williams fortified our inside defense further with his shot blocking prowess. The players started to embrace the defensive system and we are reaping dividends,” wika ni Austria.

Nakakatulong ni Williams sina 6’10 Brian Wil­liams at Asi Taulava ha­bang ang opensa ay ibinibigay nina Chris Banchero, Leo Avenido at RJ Rizada.

May 2-0 karta ang Beermen sa Slingers matapos kunin din ang unang pagtutuos, 66-55, noong Pebrero 24.

Kung manalo pa uli, sasaluhan nila sa itaas ng team standing ang pahi­ngang Indonesia Warriors na may 9-3 karta.

Kailangan naman ng Slingers na maibalik ang tikas ng paglalaro dahil huli silang nanalo ay noon  pang Pebrero 22 sa Heat, 76-72.

ASI TAULAVA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BRIAN WIL

CHRIS BANCHERO

JUSTIN WILLIAMS

SAN MIGUEL BEER

SINGAPORE INDOOR STADIUM

SINGAPORE SLINGERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with