Hari sa White Diamond Super 9-ball: Bustamante nakadale uli
MANILA, Philippines - Bumangon si Francisco Bustamante mula sa one-loss side para paghaÂrian ang 4th Annual White Diamond Super 9-Ball TourÂnament na nilaro sa White Diamond Billiards sa LafaÂyette, LA.
Umabot sa 128 ang manlalarong sumali sa komÂpetisyong ginawa noong Marso 16 at 17 at si Bustamante ay nalaglag sa loser’s bracket sa kamay ni Chip Compton sa 4-7 iskor sa karera para sa hot seat.
Nakaharap ni Bustamante para sa karapatang makalaro sa Finals si Skyler Woodward at inilabas ng beteranong Filipino cue artist ang bangis ng laro laban sa batang pool player para sa 7-5 panalo.
Two-set Finals ang taÂgisan para sa titulo at hinÂdi na nagpabaya pa si Bustamante sa ikalawang pagharap kay Compton.
Hindi binigyan ng pagkakataon ng 49-anyos at tubong Tarlac na makatiÂkim ng momentum ang mas batang katunggali at ang dalawang labanan ay nauwi sa 7-2 dominasyon para kay Bustamante.
Naibulsa ng 2010 World 9-ball champion ang unang gantimpala na $2,143.00 habang si Compton ay nakontento sa $1,040.00.
Ang panalo ay ikalaÂwang sunod para kay BusÂtamante matapos manaig sa 4th Annual Chet ÂIÂtow Memorial na ginawa noong Marso 9 at 10.
Ito ang ikaapat na panalo sa taon ni Bustamante matapos dominahin ang 2013 Derby City Classic Banks Division at ang Derby City Master of the Table para palawigin sa $45,593.00 ang kinita na.
Sumali rin si Warren Kiamco sa torneo at tumaÂpos siya sa ikalimang puwesto para magkaroon ng $367.00 premyo.
- Latest