^

PSN Palaro

2nd Philspada para national games: Ika-2 gold ni Dino mula sa athletics

Pilipino Star Ngayon

Sta. Cruz, Laguna, Philippines --Isang araw matapos talunin ang isang miyembro ng national Paralympic team, iniuwi ni Arman Dino ang kanyang ikalawang gintong medalya matapos pagha­rian ang men’s 100-meter run sa 2nd Philippine Sports Commission-Philippine Sports Association for the Differently-Abled Para National Games.

Itinala ng 28-anyos na pambato ng Mandaue City at biktima ng ipinagba­bawal na paputok na Super Lolo ang oras na 11.81 se­gundo para maging kauna-unahang atleta na nakahakot ng dalawang ginto sa torneo na ginaganap sa Laguna Sports Complex.

Pumangalawa kay Dino si Lemuel Garcia (14.76) at ikatlo si Ricardo Domingo (15.10).

Una nang iniuwi ni Dino ang kanyang unang gintong medalya matapos ta­lunin sa 400-m run ang beterano ng 2012 London ParaLympics at Asian ParaGames na si Isidro Vildosola.

Ikinatuwa naman ni Na­­tional Paralympic athle­tics coach Joel Deriada ang itinalang panalo ni Dino na agad na naging kandi­dato sa national pool bunga ng kanyang itinalang mabibilis na oras sa sprint event. Lalahok pa ngayong umaga si Dino sa 200m.

“As a procedure, we will compare his time sa record sa ASEAN ParaGames, ang katapat ng SEA Ga­mes. His time (11.81) is actually good for bronze so we will invite him sa national pool muna. Actually, we are loo­king at 2 to 3 more athletes na maisasama sa national team” ani Deriada.

ARMAN DINO

DIFFERENTLY-ABLED PARA NATIONAL GAMES

DINO

ISIDRO VILDOSOLA

JOEL DERIADA

LAGUNA SPORTS COMPLEX

LEMUEL GARCIA

MANDAUE CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with