Brunei umatras sa AFC Challenge Cup
MANILA, Philippines - Nagdesisyon ang Brunei na huwag ng sumali sa gaganaping AFC Challenge Cup Group E qualifiers na lalaruin sa Rizal Memorial Football Stadium.
Ang torneo ay sisimulan bukas at maiiwan na lamang ang host Pilipinas, Cambodia at Turkmenistan na maglaban-laban para sa kampeonato at puwesto sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives.
“Due to unavoidable circumstances, Brunei Darussalam is unable to participate in the upcoming AFC Challenge Cup qualifiers scheduled to be held in the Philippines from March 22-26,†pahayag ng Brunei Ministry of Culture, Youth and Sports secretary Dato Paduka Hj Mohd Hamid Hj Mohd Jaafar sa panayam ng Brunei Times.
Wala pa namang nakukuhang liham ng pag-atras ang Philippine Football FeÂderation (PFF) na siyang nag-oorganisa ng komÂpeÂtisÂyon.
Nasa pinal na preparasÂyon ang panlaban ng bansa na Azkals at kahapon ay nagsanay sila sa University of Makati.
Bubuuin ang koponan ng mga Fil-Foreigners at local players na hanap na pangunahan ang kompetisÂyon upang makatiyak na ng puwesto sa Maldives.
Ang Pilipinas ay nakaÂsali sa 2012 Challenge Cup sa Nepal at pumasok ang Azkals sa semifinals.
Pero tinalo ng kopoÂnan ng Turkmenistan, 2-1, at ito ang balak na ipaghiganti ng Azkals sa torneo.
Si Hans Michael Weiss ang hahawak sa koÂponan at pinili niya sina Marwin Angeles, Misagh BahadoÂran, Dennis Caraga, Emelio Caligdong, Jeffrey Christians, Jason de Jong, Neil EtheÂridge, Robert Gier, Christopher Greatwich, Angel Guirado, Juan Luis Guirado, Jerry Lucena, Carlos Alberto Martinez de Murga, Paul Mulders, Roland Muller, Javier Patino, Jose Elmer Porteria, Patrick Reichelt, Eduard Sacapano, Stephan Schrock, Matther Uy, James at Phil YoungÂhusband para sa kanyang 23-man line-up.
- Latest