Tagay pa!
Hindi lang yata height ang dapat tingnan sa mga imports na naglalabasan sa PBA ngayon kundi pati na ang kanilang attitude.
Kelan lang, nanakal itong si Renaldo Balkman ng kanyang kakampi sa Petron at halos ihagis ang iba pang kakampi at coach na nagsubok umawat sa nagwawalang import.
Eto naman ngayon si Walter Sharpe ng Globalport.
Nakunan ang import na nakahandusay sa parking lot ng isang nightspot sa Pasig ilang gabi lang ang nakalipas.
Senglot.
Ayon sa mga nakakaalam, naglasing yata ang import matapos ang sunud-sunod niyang talo sa PBA. Nilunod yata ang frustration sa bar.
Hindi man lang nagtira ng pang-uwi kaya ayun, nakatulog sa parking lot. Malinaw na malinaw ang kuha na mukhang mahimbing ang kanyang tulog.
Kumot at unan na lang ang kulang at tiyak na umaga na babangon.
Ang hindi ko naman maintindihan ay bakit pinabaÂyaan siya ng mga kasama niya na magkaganun kung meron man siyang kaÂsama.
Ang alam ko, may mga alalay ang mga PBA imports dito at kahit saan sila magpunta ay kasama nila ito para siguruhin na walang masamang mangyayari sa kanila.
Kahit ba nalasing siya ay inalalayan sana siya at hindi pinabayaang humiga sa parking lot.
Galit ang officials ng Globalport. Hindi nga naman maganda sa image ng team na pag-aari ni Mikee Romero. Hindi rin maganda sa image ng PBA.
Kahit siguro sa Ginebra siya maglaro ay hindi pa rin puwedeng endorser si Sharpe.
Wala sigurong dapat gawin kung hindi pauwiin na ang import na ito.
Hindi magandang role model.
- Latest