Pacquiao-Marquez 5 nais ni Arum na gawin sa Singapore
MANILA, Philippines - Bagamat hindi pa niya napaplantsa ang pang-limang paghaharap nina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at Mexican world four-division titlist Juan Manuel Marquez, sinabi ni promoter Bob Arum na plano niya itong itakda sa Singapore.
“They’ve been doing a full court press at the Venetian in Singapore,†wika ni Arum ng Top Rank Promotions sa Pacquiao-Marquez Part 5.
Inaasahang magkikita sina Pacquiao at Marquez sa Macau para saksihan ang pro debut ni Chinese two-time Olympic Games gold medal winner Zou Shiming kontra kay Mexican Eleazar Valenzuela (2-1-2, 1 KO) sa isang four-round flyweight bout sa Cotai Arena sa Venetian.
Posibleng sa Macau maplantsa ang negosasyon para sa pang-limang banggaan ng 34-anyos na si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at ng 39-anyos na si Marquez (55-6-1, 40 KOs) na gagawin sa Singapore sa Setyembre.
“To solidify a Pacquiao-Marquez fight in Macau would be the plan,†sabi ng 81-anyos na promoter sa kanyang plano sa pagkikita nina Pacquiao at Marquez.
Hindi nakadalo si Marquez sa title defense ni world welterweight king Timothy Bradley, Jr. (30-0-0, 12 KOs) noong Linggo kung saan tinalo ng American si Russian challenger Ruslan Provodnikov (22-2-0, 15 KOs) via unanimous decision sa Home Depot Center sa Carson, California.
“Marquez didn’t show at the Bradley-Provodnikov fight but he’s coming on March 30 for the Brandon Rios-Mike Alvarado fight (in Las Vegas). And then Marquez and his wife are going with us to Macau,†ani Arum.
Sakaling hindi maitakda ni Arum ang Pacquiao-Marquez 5 ay plano ng Mexican na hamunin si Bradley para sa suot nitong World Boxing Organization welterweight title.
Ang nasabing korona ang inagaw ni Bradley kay Pacquiao via split decision noong Hunyo 9, 2012.
- Latest