Celtics niresbakan ang Bobcats
BOSTON -- Natuklasan na ng BosÂÂton Celtics kung paano talunin ang koÂponang may pinakamasamang reÂkord sa NBA.
Giniba ng Celtics ang Charlotte Bobcats, 105-88, noong Sabado ng gabi.
Nagposte si Paul Pierce ng 14 points, 8 assists at 6 rebounds para sa panalo ng Boston bago ipahinga sa kabuuan ng fourth quarter.
“It wasn’t a sense that we owed them one. It was a sense that we need to play better against them and we need to keep plaÂying well at home,’†ani Pierce. “It’s about us playing well and playing the right way.â€
Limang Celtics ang umiskor double figures at ang lahat ng 11 players ay tuÂmipa ng higit sa 5 points.
At ang tanging player na nasa official lineup na hindi nakaiskor ay si Kevin Garnett, ipinahinga ang kanyang namamagang kaliwang hita.
Sa kabila nito, tinalo pa rin ng Celtics ang Bobcats na nagpayukod ng dalawang beÂses sa kanila ngayong season.
Pinamunuan ni Jannero Pargo ang CharÂlotte mula sa kanyang 18 points kasuÂnod ang 16 ni Gerald Henderson at 14 ni Kemba Walker .
Nagsalpak ang Celtics ng 10-of-15 shooting sa 3-point line at tinalo ang Bobcats sa rebounding, 42-35.
Sa Philadelphia, naglista si Spencer Hawes ng 18 points at nagposte ng seaÂson-best 8 assists at mga career highs na 16 rebounds at 7 blocked shots para igiÂya ang 76ers sa 98-91 panalo laban sa InÂdiana Pacers.
Nagdagdag si Jrue Holiday ng 27 points at 12 assists para sa ikatlong panalo ng Philadelphia sa kanilang huling 15 laro.
- Latest