^

PSN Palaro

Nag-uwi ng 30 gold sa New Zealand: Enrile pinuri ang Pinoy shooters

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinapurihan ni Caga­yan Congressman Jack Enrile ang panalo ng Team Philippines sa 2012 Handgun Championships na ginanap sa New Zealand sa pagtataguyod ng Australasian International Practical Shooting Confederation (IPSC).

“Iyon ay isang maning­ning na tagumpay na mu­ling nagpakita ng husay ng mga Filipino shooters at ng kakayahan nilang manaig laban sa pinakamagaling na mga kalaban sa buong mundo,” wika ni Enrile. “Isa itong malaking tagumpay na dapat papurihan ng liderato ng sports sa ating bansa.”

Humakot ang mga Filipino shooters ng 30 gold, 22 silver 11 bronze medals sa torneong sinalihan ng 750 lahok mula sa 25 na bansa.

Bilang founder ng Philippine Practical Shooting Association (PPSA) at regional director ng IPSC, ikinatuwa ni Enrile ang pagkopo ng mga Pinoy ng mga ginto sa apat sa limang division na sinalihan nila, bukod sa pagsungkit sa pilak sa natira pang division.

Pinuri din ni Enrile si PPSA President at Gobernador Suharto Teng Ma­ngudadatu ng Sultan Kudarat na siyang nanguna sa Team Philippines.

AUSTRALASIAN INTERNATIONAL PRACTICAL SHOOTING CONFEDERATION

BILANG

CONGRESSMAN JACK ENRILE

ENRILE

GOBERNADOR SUHARTO TENG MA

HANDGUN CHAMPIONSHIPS

NEW ZEALAND

PHILIPPINE PRACTICAL SHOOTING ASSOCIATION

SULTAN KUDARAT

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with