^

PSN Palaro

Pangungutya ng mga fans tinabunan ng panalo ng Lakers Howard pinasiklaban ang Magic

Pilipino Star Ngayon

ORLANDO, Fla. -- Hu­ma­kot si Dwight Howard ng season-high 39 points at 16 rebounds para pangu­nahan ang Los Angeles Lakers sa 106-97 paggupo sa kanyang dating koponang Orlando Magic noong Martes ng gabi.

Ito ang unang pagbabalik ni Howard sa Orlando matapos ang offseason trade na nagdala sa kanya sa Lakers.

Ginamit ng Magic ang isang intentional foul stra­tegy, ngunit nagsalpak ang All-Star center ng 16-of-20 shooting clip sa freethrow line sa second half.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Lakers.

Binanderahan ni Jameer Nelson ang Orlando mula sa kanyang 21 points.

Matapos ang laro, nakipagkamay si Howard kay Nelson at saglit na nag-usap.

Ilan sa mga pangu­ngutya na natanggap ni Howard mula sa mga fans ng Magic ay ang ‘“Coward’’ at “Kobe’s Kid’’ na makikita sa Amway Center stands.

Binubuska ang All-Star center sa tuwing mahahawakan niya ang bola at mas malakas na sigawan kapag nagmimintis siya sa free throw.

Nakipag-inisan si Ho­ward sa Magic bench sa isang tagpo sa first half, habang saglit na umalis si Kobe Bryant sa first quarter dahil sa pagdugo ng kanyang kanang mata matapos ang isang banggaan.

Kinuha ng Lakers ang 76-68 bentahe papasok sa final period at itinala ang isang 16-point lead laban sa Magic.

 

vuukle comment

AMWAY CENTER

DWIGHT HOWARD

HOWARD

JAMEER NELSON

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

ORLANDO

ORLANDO MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with