^

PSN Palaro

Petronovela

FREETHROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Marahil ay magpakita na ng galit si coach Olsen Racela sa kanyang mga manlalaro at magsimulang magsisigaw sa sidelines upang mapansin din ng mga referees.

Ano nga ba ang dapat na parusa kay import Renaldo Balkman?

Ito ang katanungan ng mga fans na patuloy na su­musubaybay sa bawat kabanata ng tinatawag na ‘Petronovela’ na masasabing panapat ng AKTV sa mga telenovelas ng tatlong iba pang channels sa telebisyon!

Akala nga ng karamihan ay tapos na ang ‘Petro­novela’ at maayos na umuusad ang Petron Blaze Boosters matapos na magwagi ng limang sunud-sunod na games upang makatabla sa Alaska Milk sa 2013 PBA Commissioner’s Cup.

Pero noong Biyernes at nadagdagan ng paniba­gong kabanata ang nobela.

Hindi lang napatid ang winning streak ng Boosters nang sila’y hatakin pababa ng Aces, 93-83. Nawala pa ang kasiguraduhan sa estado ni Balkman.

Kasi, bago magtapos ang naturang laro ay nagwala si Balkman nang magmintis siya sa isang lay-up kung saan nadepensahan siya ng dalawang Aces.

Sa totoo lang, pagkasama-sama talaga ng laro ni Balkman noong Biyernes. Mabuti na lang at mayroon siyang 17 rebounds. Iyon lang ang maganda sa kanyang statline.

Pero nalimita siya sa anim na puntos sa duwelo nila ni Robert Dozier.

Nagpasok lang siya ng tatlo sa 16 na tira para sa napakababang 18.6 percent. At upang makita ng lahat kung paano tala­ga nawala ang kanyang kon­sentrasyon, aba’y imi­nintis niya ang lahat ng apat na free throws na naibigay sa kanya. Free throws iyon at walang bu­mabantay sa kanya. Sino pa ang sisisihin niya mali­ban sa kanyang sarili?

Eh, bago nag-umpisa ang laro ay excited ang la­hat ng Petron fans dahil sa kung ibabatay sa credentials ay nakalalamang si Balkman kay Doozier. Mas matagal na naglaro sa NBA si Balkman.

Pero sa katapusan ng laro, nagtala si Dozier ng 18 puntos at 20 rebounds bukod pa sa 2 as­sists, 1 steal at 5 blocks!

Kaya siguro nagwala sa dulo ng laro si Balkman.

Sa totoo lang, ilang se­gundo na lang ang na­lalabi at puwede na sana itong palampasin ni Balkman. Pero hindi ga­noon ang nangyari.

Nagwala siya,hinabol ang mga referees, nag­da­dakdak.

Higit doon, itinulak ni­ya ang mga kakamping si­na Ronald Tubid at Arwind Santos na pumipigil sa kanya. Iniisip lang naman ng dalawa na baka ma-thrown out siya at ma­suspindi sa kanilang su­sunod na laro. Talo na nga sila, mawawalan pa sila ng import sa next game.

Pero sa halip na hu­mi­nahon, sinakal ni Balkman si Santos!

So, anong parusa ang dapat na ibigay sa kan­­ya ni PBA Commissioner Chi­to Salud na kakausap sa kanya nga­yong uma­­ga?

Marahil isang napaka­bigat na multa.

Hindi siguro dapat na suspindihin ni Salud si Balkman.

Kasi, kung may su­sus­pindi sa kanya o ka­ya ay magpapauwi sa kan­ya, ito ay ang Petron mis­mo.

Abangan natin ang su­sunod na chapter ng Petronovela!

vuukle comment

ALASKA MILK

ARWIND SANTOS

BALKMAN

BIYERNES

COMMISSIONER CHI

KASI

LANG

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with