^

PSN Palaro

Ajay Pathak Memorial Cup Netfest: Lim vs Thai sa ITF finals

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinalos ng 13-anyos na Filipino top seed Alber­to Lim Jr. ang fifth seed na si Parikshit Somani ng India, 6-0, 6-1, upang umabante sa finals sa Ajay Pathak Memorial Cup ITF 14-Under Developmental Championship Division 1 kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Halos walang pagkakamaling nakita sa two-time NCAA juniors MVP para sa nagdodominang Letran para lumapit sa isang hakbang tungo sa unang panalo sa ITF sa taon.

Kalaban niya sa Finals na magsisimula ngayong alas-8:30 ng umaga si se­cond seed Vorachon Rakpuangchon ng Thailand na nanaig kay Sou Ming Chun Alan ng Hong Kong, 6-2, 6-1.

Namumuro rin si Lim na magkaroon ng dalawang titulo dahil ang tambalan nila ni Jan Godfrey Seno ay nasa semifinals din sa boys’ doubles.

Tinalo ng mga Pinoy netters sina Lee Wai Leuk ng Hong Kong at Jerome Romualdez ng Pilipinas, 6-2, 6-3, para itakda ang pakikipagtuos sa unseeded na sina Vashisht Vinod Cheruku at Parikshit Somani ng India.

Nakapanorpresa sina Cheruku at Somani sa top seeds na sina Vorachon Rakpuangchon at Charles Roberts ng Thailand sa 5-7, 6-3, 10-6, tagumpay.

Ang girls’s singles title ay paglalabanan naman nina Himani Mor ng India at Ren Jiaqi ng China nang manalo sa hiwalay na laro sa kompetisyong inialay para sa nasirang ITF at Philta official Ajay Pathak at suportado ng ITF Grand Slam Development Fund at ng Philippine Tennis Academy.

Tinalo ni Mo si Tang Yutong ng China, 6-3, 6-2, habang sinilat din ni Jiaqi si 2nd seed Mihika Yadav ng India, 6-4, 7-6 (6).

vuukle comment

AJAY PATHAK

AJAY PATHAK MEMORIAL CUP

CHARLES ROBERTS

GRAND SLAM DEVELOPMENT FUND

HIMANI MOR

HONG KONG

JAN GODFREY SENO

JEROME ROMUALDEZ

PARIKSHIT SOMANI

VORACHON RAKPUANGCHON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with