^

PSN Palaro

Marquez nagpaplano ng laban habang abala si Pacquiao sa kampanya

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Habang abala si Manny Pacquiao sa kanyang dara­ting na kampanya bilang Congressman ng Sarangani sa ikalawang sunod na pagkakataon, nagpaplano naman si Juan Manuel Marquez ng kanyang susunod na laban.

Personal na panonoorin ni Marquez ang banggaan nina Timothy Bradley, Jr. at Ruslan Provodnikov at ang salpukan nina Bradon Rios at Mike Alvarado.

Ang mananalo sa nasabing dalawang laban ang inaasahang pagpipilian ng 39-anyos na Mexican four-division titlist ng kanyang haharapin bago ang kanilang pang-limang upakan ng 34-anyos na si Pacquiao.

“He wants to see Bradley with Provodnikov and he wants to see Rios and Alvarado,” sabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions kay Marquez. “And then we’ll have a discussion on what his options are.”

Nauna nang sinabi ni Fernando Beltran ng Zanfer Promotions na inaasahan niyang magtatakda muna ng kani-kanilang non-title fights sina Marquez at Pacquiao bago ang kanilang ika-limang pagtatagpo bago matapos ang taon.

Maghaharap sina Bradley, tumalo kay Pacquiao via split decision noong Hunyo 9, 2012, at Provodnikov sa Marso 16, habang magtatapat naman sina Rios at Alvarado sa Marso 30.

Ang Russian na si Provodnikov ang naging sparmate ni Pacquiao para sa kanyang paghahanda kay Bradley.

Pinatumba ni Marquez si Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre 8, 2012 at sinabi ng Mexican fighter na wala nang dahilan para muli silang maglaban ngayong 2013.

vuukle comment

ANG RUSSIAN

BOB ARUM

BRADLEY

BRADON RIOS

FERNANDO BELTRAN

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

PACQUIAO

PROVODNIKOV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with