5 Boxers na ilalaban ng ABAP sa AYBC Lean and Mean fighting team
MANILA, Philippines - Limang boksingero lamang ang ipanlalaban ng Pilipinas sa gaganaping Asian Youth Boxing Championships sa Subic Bay mula Marso 10 hanggang 17.
Bagama’t limitado lamang ang bilang ng entrada, kumbinsido naman si ABAP Executive Director Ed Picson na lalaban ang mga isasali at hindi padadaig ng basta-basta sa mga dayuhang katunggali.
“This is a lean and mean fighting team,†wika ni Picson sa nararamdaman sa limang boksingero na sina light flyweight Jade Bornea, flyweight Ian Clark Bautista, bantamweight Jonas Bacho, lightweight James Palicte at light welterweight Eumir Felix Marcial.
Si Marcial ang hinirang bilang World Junior champion noong 2011 habang ang 17-anyos na si Bornea ay nanalo ng bronze medal sa World Youth Championships sa Armenia noong nakaraang taon.
Nagwagi naman si Bautista ng bronze medal sa Sydney Jackson Memorial Tournament sa Uzbekistan noong 2012 habang si Bacho ay nanalo ng ginto sa Malaysia tournament noong Enero kasama nina Bornea at Marcial.
Bagong pasok naman si Palicte sa koponan pero makailang-ulit na siyang hiÂnirang bilang national champion sa pinaglalabaÂnang dibisyon.
“Ten ang weight class na paglalabanan pero hirap tayong makahanap ng boksingero sa heavier classes. Satisfied naman ang ABAP sa ilalaban nating boxers. Mahirap magsabi ng medalyang mapananalunan pero we will fielding fine and exciting boxers,†dagdag ni Picson.
Nasa 26 bansa ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa pinakamalaÂking international event na itataguyod ng ABAP sapul nang naupo sa liderato ang pangulong si Ricky Vargas at Manny V. Pangilinan bilang pangulo at chairman ng samahan.
- Latest