Bugbog agad ang Blu Boys
MANILA, Philippines - Hilahod agad ang PhiÂlippine Blu Boys matapos ang dalawang laro sa idinadaos na 2013 International Softball Federation (ISF) Men’s World Championship na ginagawa sa Auckland, New Zealand at nilalahukan ng 16 na bansa.
Nabigo ang koponang isinali ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPhil) na dominahin uli ang Colombia tulad ng nangyari noong 2009 nang lasapin ang 4-2 pagkatalo sa pagbubukas ng liga noong Marso 1.
Sunod na hinarap ng Blu Boys ang mas malakas na Canada tungo sa 10-0 shutout pagkatalo sa larong tumagal lamang ng apat na innings.
Sampung hits ang ibiÂnigay ng tatlong pitchers na ginamit habang ang depensa ay may limang errors.
Kailangan ngayon ng koponan na maipanalo ang apat sa huling limang laro para umabante sa susunod na yugto sa Group B.
- Latest























