POC sa PNSA: Ayusin ang voter’s list
MANILA, Philippines - Pinakikilos ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pamunuan ng Philippine National ShooÂting Association (PNSA) para ayusin ang reklaÂmong idinulog sa kanila ng makailang-ulit na national champion at PNSA board member Nathaniel “Tac†Padilla.
“There is a basis of concern,†wika ni POC 1st Vice President Joey Romasanta sa liham na ipinadala ni Padilla na naglalagay sa alanganin sa magaganap na PNSA eleksyon sa SaÂbado.
“Isa sa nakita ko ay magkaiba ang voters list noong nag-eleksyon sila at ngayong mag-e-election sila. Isa pa ay ang ‘di pagpirma ng PNSA president o sec-gen sa talaan ng mga voters,†pahayag pa ni Romasanta.
Ang itinalagang ComeÂlec chairman na si Ronald Robles ang siyang pumirma sa talaan ng botante na kinukuwestiyon ni Padilla dahil ito ay dapat ginagawa ng pangulong si Mikee Romero o ang secretary-geÂneral na si Col. Danilo Gamboa.
Hindi naman payag ang POC na sila ang mag-ayos ng problemang ito dahil may awtonomiya ang mga NSAs kaya sinulatan na lamang nila sina Romero at Gamboa para harapin ito.
Naunang lumiham si Padilla sa POC at ipinatitigil ang eleksyon dahil sa mga aksyon ni Robles.
Sa liham ng POC, ipinaalala nila sa PNSA ang alituntunin patungkol sa pagsasagawa ng eleksyon na dapat ay alinsunod sa kanilang Constitution and By Law.
Umaasa ang POC na magkakaroon ng linaw ang problemang ito bago dumating ang Sabado dahil kung hindi ay wala silang ipadadalang observer sa halalan.
Si POC 2nd VP Jeff Tamayo na ang itinalaga bilang observer sa halalan pero babawiin ito ng POC kung hindi maaayos ang gusot.
- Latest