^

PSN Palaro

JV nanawagan ng suporta para sa Gilas Pilipinas

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ni San Juan City Rep. JV Ejercito Estrada ang mga Pinoy na suportahan ang Gilas Pilipinas sa darating na 2013 FIBA-Asia Men’s Championships sa Agosto 1-11 sa SM MOA Arena sa Pasay City.

“This is a great opportunity for all of us to be united for a particular goal and that is to motivate our national team to qualify for the world championship,” wika ni Ejercito Estrada.

Pipilitin ng Gilas Pilipinas ni coach Chot Reyes na makuha ang isa sa tatlong tiket na nakataya sa FIBA-Asia tournament, ang qualifier para sa 2014 World Championship sa Spain.

Ito ang ikatlong pagkakataon na pamamahalaan ng bansa ang FIBA-Asia Championship.

Ang huli ay noong 1973  kung saan nagkampeon ang Nationals sa likod nina Robert Jaworski, Ramon Fernandez, Abet Guidaben, Bogs Adornado at Francis Arnaiz.

Idinagdag pa ng mambabatas na nakahanda ang San Juan City na ialok ang The Arena bilang alternate venue ng 2013 FIBA-Asia tournament.

ABET GUIDABEN

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIA MEN

BOGS ADORNADO

CHOT REYES

EJERCITO ESTRADA

FRANCIS ARNAIZ

GILAS PILIPINAS

PASAY CITY

RAMON FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with