Balayong Festival Offroad Challenge sa Puerto
MANILA, Philippines - Sa pagsasagawa ng 4x4 Puerto Princesa BalaÂyong Festival Offroad Challenge sa ika-10 taon, mas malaki at kapana-panabik na karera ang nakatakda sa Marso 8-10 sa Brgy. Sta. Monica Tracks sa Puerto Princesa City, Palawan.
Patuloy ang suporta nina Puerto Princesa Mayor Edward S. Hagedorn at ng kanyang asawang si Oplan Linis head Ellen Hagedorn sa event at nagawang ipakilala ang kanilang lungsod bilang pinakabagong tourist destination sa bansa.
Itatakda sa Puerto PrinÂceÂsa ang inaugural leg ng FIM MX Asia sa Marso 22-24.
Ang MP TURBO-organized Offroad Challenge ang magiging pinakahuÂling bahagi ng Balayong Festival na magtatampok sa Foundation Day ng lungsod sa Marso 4.
Nangako si Race DirecÂtor Mike Potenciano ng magandang karera sa paÂmaÂmagitan ng launch party sa Mendoza Park kasama ang bagong supporting race na Enduro Cross at 4x4 category na tinawag na Veterans class.
Nakalatag sa 4x4 challenge ang regular Open, Open 4 & 6 Cylinder, Max 33, Novice at All Palawan Classes.
Suportado ng MORETA Shipping Lines, Toyota, Mossimo, Rota Wheels at Emerald Playa, hihigitan ng 2013 Balayong Offroad Festival ang 90 entries sa 4x4 races at 80 entries sa motorbikes noong nakaraang taon.
Pinalakas din ang mga local 4x4 riders sa pamamagitan ni Real Estate man Jong Balbon para maagaw ang korona ni Ton Dungca ng Pampanga.
- Latest