^

PSN Palaro

PSC inalis na ang suporta sa PABA

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala ng makukuhang suporta ang Philippine Ama­teur Baseball Association (PABA) mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, ito ang naging desisyon ng board dahil patuloy umano na may problema sa liderato ang PABA na pinamumunuan ni Hector Navasero.

Bukod dito, natuklasan din na lumabag ang mga national baseball players nang nabatid na may taga-labas ang nakatira sa kanilang quarters sa Rizal Memorial Sports Complex.

Si Kunifumi Itakura na tumutulong sa PABA sa pa­ngangalap ng kagamitan na ibinibigay sa probinsya, ay natuklasan na natutulog sa quarters ng baseball team.

Samantala, nasa balag ng alanganin ang planong pagsasanay ng national wrestlers sa Iran dahil wala pa umanong usapan ang Pilipinas at ang pupunta­hang bansa tungkol dito.

Nabatid din ng PSC na gugugol ng malaking halaga ang ahensya sa pagpapadala ng atleta tulad ng gagawin sana sa athletics team na dapat ay magsasanay sa Australia.

Sa halip, balak ng PSC na huwag ng ituloy ang fo­reign training at sa halip ay kumuha na lamang ng mga dayuhang coaches upang mas maraming atleta ang makinabang.

AYON

BASEBALL ASSOCIATION

BUKOD

HECTOR NAVASERO

PHILIPPINE AMA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICARDO GARCIA

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SI KUNIFUMI ITAKURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
22 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with