^

PSN Palaro

Barako lusot sa Globalport

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinambakan sila ng 10 puntos sa huling 1:59 sa fourth quarter at nanalo sila ng 10 puntos sa overtime period.

Bumangon ang Barako Bull mula sa isang 10-point deficit sa final canto para gibain ang Globalport, 98-88, at angkinin ang liderato sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Isinalpak ni Mark Macapagal ang isang three-point shot sa natitirang 0.9 segundo sa regulation para dalhin ang Energy Cola sa overtime laban sa Batang Pier sa 86-86 iskor.

“The instruction was to play tough defense,” ani head coach Bong Ramos. “We we’re really waiting for Macapagal’s shot the whole game, and it came in the right time.”

Pumukol ng dalawang 3-pointers sina Josh Urbiz­tondo at Danny Seigle, ha­bang tumipa ng lay-up si Jonas Villanueva at alley-oop si import Evan Brock sa extension para sa 2-0 record ng Barako Bull.

Tanging si Sol Mercado lamang ang nakaiskor para sa Globalport sa overtime.

Nauna nang tinalo ng Energy Cola ang nagdedepensang San Mig Coffee Mixers, 79-75, noong Biyernes.

“What our strategic plan was not to give penetration shots to Sol (Mercado) and the outside shots to (Gary) David in (Willie) Miller,” ani ac­tive consultant Rajko To­roman.

Ang drive ni David ang nagbigay sa Globalport (1-1) ng isang 10-point lead, 86-76, sa 1:59 ng fourth quarter.

Matapos ito ay hindi na nakaiskor ang Batang Pier ni mentor Junel Baculi, nagmula sa 94-92 pagtakas sa Petron Blaze Boosters .

Nagtuwang sina Urbiztondo, Seigle at Brock para ilapit ang Energy Cola sa 83-86 sa huling 43.9 segundo kasunod ang tres ni Macapagal.

Tumapos si Brock na may 25 points para sa Ba­rako Bull kasunod ang 24 ni Urbiztondo, 18 ni Vil­lanueva at 16 ni Seigle.

Nagposte naman si Japeth Aguilar ng 23 mar­kers sa panig ng Globalport, ha­bang kumolekta sina Mer­cado, naglista ng 16 assists, at David ng tig-19 points kasunod ang 12 ni import Justin Williams.

Barako Bull 98 - Brock 25, Urbiztondo 24, Villanueva 18, Seigle 16, Maliksi 9, Macapagal 6, Kramer 0, Pennisi 0, Allado 0.

Globalport 88 - Aguilar 23, Mercado 19, David 19, Williams 12, Miller 7, Yee 5, Salvador 3, Deutch­man 0, Juntilla 0.

Quarterscores: 21-19; 35-38; 60-58; 86-86; 98-88 (OT).

BARAKO BULL

BATANG PIER

BONG RAMOS

ENERGY COLA

GLOBALPORT

MACAPAGAL

SEIGLE

SHY

URBIZTONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with