^

PSN Palaro

Donaire Boxer of the Year ng Elorde

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Nonito Donaire, Jr., lalo pang sumikat noong nakaraang taon nang matalo si Manny Pacquiao ng dalawang sunod, ang mga Filipino world, international at national champions bilang Boxer of the Year sa 13th Gabriel “Flash” Elorde Memorial Awards and Banquet of Champions sa Marso 25 sa Dusit Thani Hotel.

Noong 2012, apat na laban ang naipanalo ng 30-an­yos na si Donaire para ibigay sa kanya ang pinakamataas na karangalan sa Elorde Memorial Awards na idinadaos para sa 78th birth anniversary ni ‘Da Flash’, ang world junior lightweight champion mula 1960.

Tinalo ni Donaire si Wilfredo Vazquez Jr para sa bakanteng WBO super bantamweight crown noong Pebrero.

Napanatili niyang suot ang WBO title at inangkin ang IBF crown ni Jeffrey Mathebula noong Hulyo.

Tinalo niya si WBC champion Toshiaki Nishioka para sa pagdedepensa ng WBO title sa California noong Oktubre at patuloy na binitbit ang kanyang WBO crown mula sa isang third round KO win laban kay Jorge Arce sa Houston noong Disyembre.

BOXER OF THE YEAR

DA FLASH

DONAIRE

DUSIT THANI HOTEL

ELORDE MEMORIAL AWARDS

ELORDE MEMORIAL AWARDS AND BANQUET OF CHAMPIONS

JEFFREY MATHEBULA

JORGE ARCE

NONITO DONAIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with