^

PSN Palaro

Dahil dehado ang Pinas sa labanan token athletes sa Myanmar itutulak ng PSC

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinimok ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia ang pamunuan ng Philippine Olympic Committee na iparamdam ang pagka­dismaya kung sakaling tunay na dehado ang bansa sa gaganaping Myanmar SEA Games mula Disyembre 11 hanggang 22.

“We should protect the interest of the country. We should show that we are not happy with what is happening,” wika ni Garcia sa isang pulong pambalitaan kahapon.

Nag-react si Garcia matapos lumabas ang mga ulat na tila hindi napaboran ang Pilipinas sa mga larong gagawin sa palaro matapos ang dalawang araw na SEA Games Federation Council meeting sa Nay Pyi Daw.

Binawi ng host ang planong pagtanggal sa mga larong badminton at table tennis bukod pa sa event na water polo pero nagmatigas na alisin ang mga larong gymnastics, lawn tennis at bowling.

Nasa 33 sports na ang lalaruin at aprubado na rin ang mga larong  vovinam, kempo at petanque habang ang chinlone na laro sa sepak takraw ay pasok na rin.

Ang laro ng Singapore na floorball ang gagawing demo sport dahil ang nasa­bing bansa ang host sa 2015 SEA Games.

“Ang mga naipasok na events are not favoring us. Talagang ginagawa ng Myanmar ang lahat para maalis tayo sa sixth place at lumakas ang laban nila sa at least third place. Bakit pa tayo sasali kung sa simula pa lamang ay talo na tayo?” dagdag ni Garcia.

Kung makumpirma na dehado ang bansa, hihi­mukin niya ang POC na magpadala na lamang ng token athletes na may ila­laban para hindi na mag­lustay ng malaking pondo.

“Sa Indonesia na gina­wa sa tatlong magkakahi­walay na lugar ay nasa P80 milyon ang ginastos natin. Sa Myanmar ay balak nilang gawin ito sa apat na siyudad kaya mas mala­king pondo ang kailangan. Pero ano ang mangyayari kung alam nating talo na tayo at ituloy pa ang pagsali?” banat pa ni chairman.

“Kung ma-confirmed natin na ito ang mangyayari, hihimukin ko ang POC na gumawa ng stand at magpadala na lamang ng token athletes. May kaparusahan kung mag-boycott ang isang member country pero walang kaparusahan kung limited  lamang ang ipa­padala. Ang mga may chance na manalo na lamang ang ipadala at  itabi sa ibang panggagamitan ang pera,” pahabol ni Garcia.

Sina POC 1st VP Jo­se Romasanta, 2nd VP at Chief of Mission Jeff Ta-mayo, treasurer Julian Camacho at sec/gen Steve Hontiveros ang kumatawan sa bansa sa pagpupulong at inaasahang babalik ng bansa ngayon.

CHIEF OF MISSION JEFF TA

GAMES FEDERATION COUNCIL

GARCIA

JULIAN CAMACHO

KUNG

MYANMAR

NAY PYI DAW

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with