^

PSN Palaro

Morales inangkin naman ang stage 12; Barnachea tumabla kay Oranza

Joey Villar -

TUGUEGARAO, Cagayan, Philippines  -- Ginamit ni Navy-Standard rider Santy Bar­nachea ang kanyang eksperyensa sa patag na kalsada sa Cagayan para makatabla sa overall lead si Ronald Oranza ng PLDT-Spyder ang unahan para sa  huling apat na yugto ng 16-stage, 21-day Ronda Pilipinas 2013 kahapon.

Nakadikit ang 36-anyos na si Barnachea sa 12-man lead pack sa huling 10-km stretch at tumapos ng mas maagang 12 segun­do kontra kay Oranza sa 101-3-km Stage 12 na pi­nakawalan sa Aparri.

Tinawid ng tubong Uminggan, Pangasinan na si Barnachea ang finish line na 16 segundo ang ag­wat kay lap winner at Na­vy-Standard teammate na si Jan Paul Morales.

Tumabla si Barnachea, ang 2011 Ronda champion at nagkampeon sa Tour no­ong 2002 at 2006, kay Oranza sa magkatulad ni­lang 42 oras, 32 minuto at 32 segundo.

Ngunit isusuot ni Oranza ang LBC red jersey sa 204.4-km Tuguegarao-Solano Stage 13 na naka­takda ngayong umaga.

Nagkaroon ng proble­ma si Oranza at naipit sa du­long grupo at tumapos na may oras na  2:14.02 kasunod si LPGMA-American Vinyl bet John Ricafort, nadiskuwalipika dahil sa ka­biguang makuha ang time limit.

Inihayag naman ni Ronda media director Jocel de Guzman na si Oranza ang mu­ling magsusuot ng red jer­sey.

Ang iba pang nasa Top 10 ay sina Ronald Gorantes (42:33.41) ng Roadbike Philippines, El Joshua Carino (42;37.52) ng PLDT-Spyder, LPGMA-American Vinyl pride Cris Joven (42:37.57), Mark Galedo (42:45.50) ng Roadbike Phl, VMobile-Smart rider Joel Calderon (42:46.21), Team Tarlac cyclist Tomas Martinez (42:46.51) at Navy-Standard veteran Lloyd Lucien Reynante (42:47.06).

 

AMERICAN VINYL

BARNACHEA

CRIS JOVEN

EL JOSHUA CARINO

JAN PAUL MORALES

JOEL CALDERON

JOHN RICAFORT

ORANZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with