^

PSN Palaro

Thunder umibabaw sa Clippers

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES -- Nanggaling sa kabiguan sa Denver, mas interesado ang Oklahoma City Thunder na makabangon at manalo laban sa Los Angeles Clippers.

Umiskor si Kevin Durant ng 32 points, habang may 26 si Russell Westbrook para pagbidahan ang Thunder sa 109-97 panalo kontra sa Clippers sa labanan ng dalawang koponang may pinakamagandang record sa NBA.

Nagdagdag naman si Serge Ibaka ng 17 points bago ma-foul out at matulungan ang Thunder sa pagtatala ng league-best 33-9 record sa Western Conference.

Naglaro ang Clippers na wala si All-Star Chris Paul at nahulog sa 32-11.

Humakot si Blake Griffin ng 31 points at 11 rebounds, habang nagtala si Jamal Crawford ng 14 points mula sa bench para sa Clippers.

Umiskor si Eric Bledsoe ng 12 points bilang kapalit ni Paul, hindi nakita sa apat na sunod na laro ng Los Angeles dahil sa kanyang bruised right kneecap.

 Nanalo ng apat na sunod ang Clippers laban sa Thunder sa Los Angeles at lumamang sila sa kabuuan ng first quarter bago tumiklop sa second period.

Bumangon ang Los Angeles sa pagsisimula ng fourth quarter sa likod nina Grant Hill at Crawford para ilapit ang iskor sa 75-82.

Tatlong tres naman ang isinalpak ni Durant, habang may tig-isa sina Westbrook at Ibaka upang muling ilayo ang Thunder sa 99-82.

ALL-STAR CHRIS PAUL

BLAKE GRIFFIN

ERIC BLEDSOE

GRANT HILL

JAMAL CRAWFORD

KEVIN DURANT

LOS ANGELES

LOS ANGELES CLIPPERS

OKLAHOMA CITY THUNDER

RUSSELL WESTBROOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with