Payo ni Reyes kay Aguilar: Dito ka gumawa ng pangalan!
MANILA, Philippines - Hindi hinihingi ang plaÂying time kundi pinagtatrabahuhan ito.
Ito ang naging mensahe ni dating Talk ‘N Text coach na ngayon ay mentor ng National men’s team Chot Reyes matapos lumabas sa isang ulat ang paghingi ni Japeth Aguilar ng trade mula sa kanyang koponan na Tropang Texters.
Sa pamamagitan ng kanÂyang manager na si Marvin Espiritu, ipinalabas ng 6’9 forward-center na si Aguilar ang kanyang kahiÂlingan na malipat ng ibang koponan dahil hindi niya umano makukuha ang plaÂying time na nais sa TNT kahit si Norman Black na ang coach ng koponan.
Paso na ang kontrata ni Aguilar sa kanyang PBA team noong nakaraang seaÂson pero ang Talk ‘N Text ang may hawak sa kanyang rights.
Nagulat naman si Reyes sa pahayag ng manlalarong unang kinuha ng Burger King noong 2009 bago inilipat sa Talk ‘N Text nang magdesisyon na maglaro na lamang sa Gilas I.
“It’s not good to publicly demand to be traded, esp due to playing time. Esp when ur team just won d title. This smacks of selfishness,†wika ni Reyes sa kanyang twitter.
Hindi din totoo na hindi niya nakuha ang hanap na playing time dahil pumalo sa 20 minuto ang exposure niya kada laro sa nakaraang taong All-Filipino Cup.
“This not enough? Son, playing time is EARNED, not demanded/expected. Wanna play at crunchtime? Work SOHARD ur coach cnt afford 2 sit u. If he does, work anyway!†dagdag ni Reyes.
Nilinaw din ni Reyes na hindi siya nagagalit kay Aguilar bagkus ay nais lamang na ituwid ang kanyang landas.
Hinimok din niya ang manlalarong anak ng dating national player at PBA cager Peter Aguilar na bumalik ng bansa at subukang maglaro uli para sa National team upang dito niya maipakita sa harap ng kanyang mga kababayan ang kanyang tunay na potensyal.
Noong natapos ang kanyang kontrata sa Talk ‘N Text ay lumipad si Aguilar, na dating kasapi ng Gilas I, sa US at nagbakasakaling masama sa NBA D-League, bagay na hindi nangyari.
“I have nothing to gain whatever un decide cept I want whats best 4 u. Come home son. Make ur name here. This is where u belong. So cmon, play 8 or 48 mins, get ur ass kicked, dunk on somebody – but do it HERE. And know whatever happens, I will be behind u always,†pahabol pa ni Reyes.
Sinasabing ang Air21 at Barako Bull ang mga koponang nagpahayag ng interes na kunin si Aguilar kung pakakawalan ng Tropang Texters.
- Latest