Valenzuela bumabandera pa rin Martinez sa stage 6
TARLAC CITY, Philippines --Ipinagbunyi ni Tomas Martinez ang pagdayo ng Ronda Pilipinas sa Tarlac nang dominahin niya ang Stage Six na isang 128.3-km karera na nagsimula sa Malolos City at nagwakas dito.
Ang 33-anyos tubong Brgy. Baras-Baras sa Tarlac ay humarurut pagpasok ng Zaragoza, Nueva Ecija at nilampasan ang nangungunang sina Daniel Asto ng Navy-Standard at Marcelo Felipe ng VMobile-Smart sa finish line.
“Gusto ko talagang kunin itong stage na ito dahil taga-rito ako. Ayokong mapahiya sa mga kababayan ko,†wika ni Martinez na naorasan ng dalawang oras, 55 minuto at 24 segundo.
Ang 22-anyos na si Felipe ang pumaÂngalawa sa 2:55:26 habang ang 25-anyos na si Asto ang pumangatlo sa 2:55:28.
Ipinagbunyi man ng mga kababayan ni Martinez ang panalo, si Asto ay gumawa rin ng eksena nang akapin ang kanyang amang naghihintay bilang pagbati sa kanyang pagpuwesto sa unang tatlong siklista
“Ito ang unang pagkakataon na nakapuwesto ako tapos nakita ko at nayakap ko pa ang tatay ko. Talagang nakakawala ng pagod,†wika ni Asto.
Naisakatuparan naman ng overall leaÂder na si Irish Valenzuela ng LPGMA-American Vinyl ang planong sumabay sa peloton nang tumapos siya kasama ng 58-iba pa sa 2:55:54 oras.
Ang 25-anyos na siklista ay nanatili sa unang puwesto sa kabuuang 21:17:06 at lamÂang pa rin ang pambato ng PLDT-Spyder’s na si El Joshua Carino (21:18:42) at Ronald Oranza (21:19:04).
Sina Felipe at Martinez ay nakasama naman sa top ten dahil sa naipakita at ang una ay nasa ikasiyam na puwesto mula sa ikasampu sa 21:26:10, habang nasa 10th place si Martinez sa 21:26:29 oras.
Wala ring pagbabago sa team race dahil una pa rin ang PLDT-Spyder sa kabuuang oras na 64:07:45 at nakasunod pa rin ang VMobile-Smart (64:10:33) at LPGMA-American Vinyl (64:10:33).
- Latest