^

PSN Palaro

Robinson gagawa ng malaking pagbabago sa Stags

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May pananabik si Topex Robinson sa kanyang pagbabalik bilang headcoach ng San Sebastian sa 2013-14 NCAA season.

Ang hamong bumuo ng malakas na koponan ang isang challenge na hindi inaayawan ni Robinson na sa kalagitnaan ng 88th season ay nagbitiw sa di malamang kadahilanan.

“It’s a total face lift. Marami ang mawawala kasi sa team,” wika ni Robinson.

Dahil sa pag-alis ng dating sponsor na si Lubao Mayor Dennis Pineda, sinasabing hindi na rin maglalaro ang mga Pampanguenos na sina Ian Sangalang, Michael Miranda, Ronald Pascual at Dexter  Maiquez habang ang dating assistant coach na naging interim coach na si Allan Pineda ay wala na rin sa koponan.

Magkakaroon ng  pagkakataon si Robinson na makita ang sitwasyon ng koponan sa unang pagsa­sanay na gagawin sa Ene­ro 28.

“Unang ensayo namin hindi itong Monday kundi sa sunod na Monday pa.  Makikita ko kung sino ang matitira at sino ang puwedeng kunin. Definitely, kailangan namin ng magandang recruitment this year,” dagdag nito.

Tanging ang pagpirma na lamang ng kontrata ang kulang para opisyal na maupo uli si Robinson sa bench dahil ang PBA team niyang Alaska Aces ay pinahintulutan siya na bumalik sa dating pinag­laruang paaralan.

ALASKA ACES

ALLAN PINEDA

DAHIL

IAN SANGALANG

LUBAO MAYOR DENNIS PINEDA

MICHAEL MIRANDA

RONALD PASCUAL

SAN SEBASTIAN

TOPEX ROBINSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with