NBA veteran ipaparada ng Talk ‘n Text, Black nanigurado
MANILA, Philippines - Alam ni Talk N’ Text coach Norman Black na sa import nakasalalay ang ikapapanalo ng koponang kalahok sa second confeÂrence ng PBA na Commissioner’s Cup.
Sariwa ang Tropang Texters sa pagkapanalo sa Philippine Cup upang makuha ang natataÂnging karapatan na maging GrandÂslam champion ng pro league.
Ito ang ikalawang dikit na titulo ni Black matapos ihatid sa ikalimang sunod na titulo ang Ateneo sa UAAP noong Oktubre.
“There is a possibiÂlity especially if we win the Commissioner’s Cup. But our chances of winning will depend on how our import fares against the other imports,†wika ni Black nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon kasama ang mga players na sina Ranidel De Ocampo at Jason Castro.
Si 6’11 Keith Benson, edad 24-anyos at may timbang na 230 pounds, ang kinuha ng koponan para tumulong sa kanilang kampanya.
Dumating kahapon ng umaga si Benson at aminado si Black ang pananabik na makilatis siya.
“I want to improve on our rebounding because we are not that good last confeÂrence. With Japeth Aguilar deciding to go and try his luck in the US this year, we lost our number one shot blocker. Hopefully, Benson can help us in these aspects,†dagdag ng 55-anyos na si Black.
Magpapahinga muna ang kanyang manlalaro at babalik ng ensayo sa Enero 31 pa. Dahil dito, si Benson ay isasama niya sa pagsasanay ng Ateneo at NLEX Road Warriors upang hindi mawala ang kondisyon.
Graduate ng Oakland University si Benson, ang paaralan na pinasukan din ni Fil-Am Kelly Williams at tinapos niya ang kanyang career bilang leader sa blocks shot sa 371.
Noong 2011 ay kinuha siya sa second round bilang 48th pick ng Atlanta Hawk pero agad siyang pinakawalan. Pero hinugot siya ng Golden State Warriors noÂong nakaraang Marso para sa 10-day contract.
Matapos bitawan ay naglaro si Benson sa NBA D-League at noong 2011 ay isinuot ang uniporme ng Sioux Falls Skyforce at Erie BayHawks.
“Chemistry will be one of our problems but I hope the players can carry him while his learning the system. I also hope that he’s good because teams that have imports from the start till the end of the conference usually ends up winning the title,†dagdag ni Black.
Tiniyak naman nina De Ocampo at Castro na tutuÂlungan nilang makapag-adjust agad si Benson para mamuro sa inaasam na Grandslam.
- Latest